Skip to main content

WORLD BAMBOO DAY – #plantbamboo project


Ngayong araw ay ipinagdiriwang po natin ang “ World Bamboo Day” , ang tema po ngayong taon ay “Alay ng Bayan sa Inang Kalikasan, Kawayan,” Ipinagdiriwang po natin ito upang magbigay ng kamalayan sa kahalagahan ng mga kawayan sa ating kalikasan.
Kaya naman po sa pagtutulungan ng ating Lokal na Pamahalaan, BAMBIKE at Gawad Kalinga ay inilunsad po natin ang #plantbamboo ito po ay ang programa na may layuning makapagtanim ng mga puno ng kawayan, inumpisahan po natin ito sa Gawad Kalinga Remedios Village sa Brgy. Sta Barbara na kung saan matatagpuan din po ang Bambike Factory. Ang BAMBIKE sa pangunguna po ni Bryan Benitez McClelland ay isang Socio ecological enterprise na gumagawa ng hand crafted na mga bisikleta at iba pang produkto mula sa kawayan at ang mga bike builders nila aka Bambuilders ay mula lahat sa gawad kalinga na nagbibigay din ng kabuhayan para sa kanila.
Isang taos pusong pasasalamat po ang aming ipinahahatid sa Lokal na Pamahalaan ng Victoria kasama po ang inyong lingkod Mayor Christian Yap, Bryan McClelland, Gawad Kalinga, , Menro Office at sa ating mga Bambuilders. Isang karangalan po na maging bahagi ng programa na ito. Maraming Salamat po. Bamboo-hay po tayong lahat.
#SerbisyongMaYAP
#GobyernongMaYAP
#KalikasanMuna
#plantbamboo
#worldbambooday
#bambike
#revolutioncycles

« of 2 »
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!