WORLD AIDS DAY 2022

Pinagdiwang po kahapon, unang araw ng Disyembre ang World AIDS Day 2022 na may temang “End HIV, Act for Equality para sa Healthy Pilipinas” na ginanap sa Victoria National High School (Senior High Department Grounds) para sa ginanap na lecture, advocacy campaign, HIV counseling and screening na nilahukan ng mga senior highschool students, na sinundan ng candle lighting ceremony sa Victoria Municipal Grounds.
Ang buong selebrasyon ay naging matagumpay sa tulong ng ating butihing Mayor Rex C. Villa Agustin, ViceMayor Tristan Reevo Guiam at lahat ng SB members, RHU Staff at lahat ng bumubuo ng TPH CARES, Kanlahi staff, at ng ating HEPO- Sir Brian Von Dayrit, RN.
Ang pagdiriwang na ito ay isa pong layunin upang mas mapalawak at mapataas pa natin ang kaalaman ng bawat isa sa mga nasabing sakit.
Kung gusto nyo malaman ang inyong HIV status makipag-ugnayan sa health center o sa TPH treatment hub.
#MaunladNaVictoria
#NoToDiscrimination
#WorldAIDSday2022

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac