
Wheelchair Distribution
Muli po tayong namahagi ng wheelchairs para sa ating mga kababayang nangangailangan upang may magamit po sila at mas mapadali ang kanilang pang araw-araw na pamumuhay.
Ang programang ito ay bahagi pa rin po ng ating mga programa na nagbibigay prayoridad at importansiya sa ating mga kababayan na may mga espesyal na pangangailangan.
Ang programa pong ito ay handog pa rin po sa atin ng ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ng ating mahal na Punongbayan Rex C. Villa Agustin kasama ang ating ViceMayor Tani Guiam at SB Members gayundin po sa ating MSWDO-Victoria.