WATER LILY PARA SA ATING LIVELIHOOD GROUP


WATER LILY PARA SA ATING LIVELIHOOD GROUP:
Sa tulong po ng ating mga kababayan na benepisyaryo ng TUPAD ay ipinagpatuloy po nating muli ang pagkuha ng water lily mula sa Canarem Lake, ito po ay para sa ating Local Livelihood group na gagamitin po nila sa paggawa ng ibat-ibang produkto. Mula po naprosesong at pinatuyong water lily ay maari pong makagawa ng ibat-ibang produkto kagaya ng bag, wallet, tsinelas at iba pang mga produkto. Ito po ay naisakatuparan sa tulong po ng masisipag na mga kasamahan natin sa ating Victoria Livelihood Group sa pangunguna po ng ating masipag na Ina ng Bayan ng Victoria na si Melissa Yeung Yap. Makaktulong din po ang pagtatanggal natin ng mga waterlilies upang magkaroon ng dagdag na espasyo ang ating mga ibon na naninirahan sa Canarem Lake. Kasama din po natin sa naturang proyekto ang Lokal na Pamahalaan ng Victoria, PESO, Victoria Livelihood Group, MENRO at Sir Bonin Micu. Bahagi pa rin po ito ng ating programang pangkabuhayan para sa ating mga kababayan.
#SerbisyongMaYAP
#GobyernongMaYAP
#VictoriaLivelihoodGroup
#CanaremLake
#supportlocalbusinesses
#BuyLokal

 

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac