VICTORIA LIVELIHOOD STORE: “When you support a small business, you’re supporting a dream”


Ang Victoria Livelihood Store ay isa po sa mga proyekto ng ating mahal na Mayor Christian Yap at ng kanyang butihing may bahay na si Ma’am Melissa Yeung Yap. Ito ay naglalayong maipakilala at bigyan ng kaukulang pansin ang sariling produkto at gawa ng bayan ng Victoria. Ito ay nagpapakilala sa husay at galing ng ating mga kababayan sa paggawa ng sarili nating mga produkto na tunay na de kalidad at kahangahanga. Ang ating livelihood store ay binubuo ng mga Victorians na may malikhaing pagiisip at talento sa paggawa ng mga ibati-bang produkto na ating maipagmamalaki. Ang ating mga local na produkto ay gawa ng mga nanay, tatay at ng iba pa nating mga kababayan kasama na din po an gating mga masisipag na PWD’s na nagbibigay sa atin ng inspirasyon, sapagkat sa sakabila ng ng kanilang mga kapansanan ay patuloy na nagsisikap para sa kanilang mga pamilya at sa kabila po ng pandemyang ating pinagdadaanan ay hindi tayo nawawalan ng pag-asa na gumawa ng mga produktong matatawag nating sariling atin. Patuloy po ang ating livelihood store sa pagtitinda at pagpapakilala ng ating mga local na produkto kaya naman po inaanyayahan namin ang lahat na suportahan at bisitahin an gating Livelihood store upang masaksihan po natin ang galing ng bawat Victorian sa paglikha.
Maraming maraming salamat pos a lahat ng bumubuo ng ating Victoria Livelihood Group at sa Lokal na Pamahalaan ng Victoria sa patuloy pong pagsusumikap na maiangat ang kabuhayan dito sa bayan ng Victoria.
#SerbisyongMayap
#GobyernongMayap
#VictoriaLivelihoodGroup
#proudlymadeinvictoria
#TrabahoMuna
#ditosavictoriataoanguna

 

 

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac