Skip to main content

VICTORIA BLOOD LETTING ACTIVITY: GIVE BLOOD,SAVE LIVES

Naging matagumpay nanaman po ang ginanap na Blood Letting Activity na ginangap sa ating municipal hall. Ang naturang programa pong ito ay isang regular na aktibidad sa ating bayan na naglalayong makapagbigay tulong at masagip ang mga nangangailangan ng dugo. Ang regular na pagbibigay din po ng dugo ay nakatutulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga seryosong sakit.
Handog po sa atin ito ng ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ng ating Mayor Rex C. Villa Agustin, ViceMayor Tani Guiam, SB Members at RHU1 & RHU2. Maraming salamat din po sa lahat ng tumulong upang maging tagumpay ang programang ito, sa blood collecting units ng TPH, mga CSO’s at sa lahat po ng naki-isa upang magdonate ng kani-kanilang mga dugo.

Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!