Skip to main content

VFWC IN CANAREM LAKE

Kamakailan po ay bumisita ang VFWC o Victoria Fitness and Wellness Club sa Canarem Wetlands. Bilang parte ng kanilang ehersisyo at programang pangkalusugan ay nilakad nila mula sa ating munisipyo hanggang Canarem Wetlands upang masaksihan ang magandang pagsikat ng araw at ang mga ipinagmamalaki nating mga ibon.
Maraming salamat po sa VFWC Victoria sa pangunguna ni Dra. Rebecca Mayo-Gacula at sa ina ng ating bayan Ma’am Alice Villa Agustin sa pag organisa ng naturang programa.
Personal rin po itong dinaluhan ng ating konsehal na si Councilor Mary Jaefredeen Rigor- Viernes. Maraming salamat din po sa walang sawang suporta ng ating Lokal na Pamahalaan na pinangungunhan ng ating Punongbayan Mayor Rex C. Villa Agustin kasama rin si ViceMayor Tristan Reevo Guiam, SB Members at Canarem Wetlands Conservation Team.

Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!