Skip to main content

VACCINATION- RHU PERSONNELS AND BRGY.HEALTH WORKERS

Bakit mahalaga ang pagbabakuna? Ang pagbabakuna ay isang ligtas at epektibong paraan para maiwasan ang sakit. Ang mga bakuna ay nagliligtas ng milyon-milyong buhay kada taon. Kapag tayo ay nababakunahan, hindi lang natin pinoprotektahan ang ating mga sarili, ngunit pati na rin ang mga taong nasa paligid natin. Kaya naman po upang mas mapalakas ang malabanan natin sa Covid-19 ay pinursigi po natin na mabakunahan ang ating mga Rural Health Personnel at mga Brgy. Health Workers, sila po ang itinuturing natinna mga “bagong bayani” lalo na sa panahon ng pandemya sapagkat sila po ang patuloy at taos pusong kumikilos at luamlaban para sa ating mga kababayan upang makapagbigay ng tulong sa mga kababayan natin sa kabila ng mga panganib na kanilang hinaharap. Ang mga bakuna po ay naibigay sa kanila sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Provincial Government of Tarlac sa pangunguna po n gating masipag na Ina ng Probinsiya na si Governor Susan Yap, Vice Governor Atty. Carlito David at SP Members, Local Government of Victoria sa pangunguna po ng ating masipag na Punongbayan, Mayor Christian Yap, Vice Mayor Rex Villa Agustin, SB Members, sa bumubuo po ng ating Rural Health Unit I- Dra. Nelin Tacasa & II- Dra. Ma. Janet Descalso at sa ating mga BRgy. Health Workers. Maraming salamat po.
#SerbisyongMaYAP
#GobyernongMaYAP
#parasaligtasatmalusognavictoria
#ditosavictoriataoanguna
#kalusuganmuna
#labananangcovid19

« of 3 »
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!