
UPLB (Day 3): RED SLAB, CORONELS FARM, DAIRY BOX
UPLB (Day 3): RED SLAB, CORONELS FARM, DAIRY BOX
Sa huling araw ng UPLB Reasearch ay inilaan po nila ito sa pag-ikot sa ibat-ibang pook turismo na bahagi pa rin po ng ating sustainable eco-tourism project at bahagi po ng aktibidad ng mga estudyanteng nagmula sa UPLB.
Sila ay una pong nagtungo sa ating LGU at sa tanggapan ng ating Punongbayan Mayor Rex C. Villa Agustin upang personal na magbigay ng pasasalamat sa mainit na pagtanggap sa ating bayan. Nagtungo din sila sa mga iba’t-ibang lugar sa ating bayan. Kabilang sa kanilang pinuntahan ang Red Slab Pottery na kung saan malugod naman po silang sinalubong ni Sir Eric Sanchez. Kasunod sila naman ay nagtungo sa Coronel’s Farm at Amorex TechVoc Institute Inc na kung saan sila ay taos pusong sinalubong ni Ma’am Flor Coronel. At bilang huling parte ng kanilang maikling pagbisita sa ating bayan sila naman po ay namili ng iba’t ibang produkto ng ating bayan na ipinagmamalaki ng sariling atin na Dairy Box.
Maraming salamat po sa ating Punongbayan Rex C. Villa Agustin sa suporta at pagpapatupad ng programang makatutulong upang mapangalagaan ang Canarem Lake Bird Sanctuary kasama rin ang ating ViceMayor Tani Reevo Guiam at SB Members, Gayundin po sa Provincial Tourism- Sir Dax Simbol, Emmanuel Errol Sabile at Ayron Timbol at sa Canarem Wetlands and Biodiversity Protection Team sa pangunguna naman po ni Sir Ronald C. Rigor, OTM- Sir Michael Villa Agustin and Sir Eric Saguyod, ganon din po MENRO office, GSO-Sir Emmanuel Apacible, MDRRMO- Sir John Paul Navarro, Tourism Office- Ma’am Lea Gracia, RHU 1 & 2.
#canaremlakebirdsanctuary
#visitvictoria
#birdsofcanaremlake
#sustainableecotourism
#helpusproctectthelake
#mayorRVA
#UPLBincanaremlake