TURNOVER CEREMONY AND BLESSING OF DAIRY BOX


Isang pinagpalang araw po para sa Probinsya ng Tarlac lalo na sa ating mahal na bayan ng Victoria ang naganap sa pagbubukas po ng ating “Dairy Box” dairy store. Ang naturang tindahan po ay magsisilbing one stop shop para sa ating produkto mula sa PCC at sa ating mga lokal na Kooperatiba partikular po ang mga produkto mula sa kalabaw. Ang Dairy Box po ay isang infrastructure support para sa ating mga smallholder dairy farmers na dinesenyo upang mabigyan po sila ng oportunidad na makapasok sa commercial market, layon din po nito palakasin ang dairy farmers natin upang patuloy na umunlad at lumago ang kanilang kabuhayan at magkaroon ng dagdag na pagkakakitaan sapagkat sa makabagong panahon ay isa po ang dairy business na kinakikitaan ng magandang potensiyal sa merkado. Sa ating Dairy Box Store ay mabibili po ang mga sumusunod : fresh milk, chocomilk fruit-flavored milk (pineapple, four seasons, strawberry,blueberry,mango and pineapple-orange), pastillas-de- leche, yogurt, Cararabeef Tapa at Tocino at iba pang produkto mula sa ating mga kooperatiba. Layunin din po ating Dairy Box na maging tampok na destinasyon ito sa mga biyahero at makatulong sa pagpapaangat sa industriya ng turismo hindi lamang po sa Bayan ng Victoria kundi sa Probinsiya ng Tarlac na din.
Maraming salamat po Sen. Cynthia Villar, Department of Agricuture, Hon. Sec. William Dar, Hon. William Medrano,Hon Crispulo Bautista Jr. Philippne Carabao Center, Hon. Ronnie Domingo, Hon Caro Salces, Hon. Peregrino Duran, Provincial Government of Tarlac, Cong. Victor Yap, Hon. Gov. Susan Yap, Vice Governor Atty. Carlito David, SP Members, Local Government of Victoria, sa pangunguna po ng inyong lingkod, Mayor Christian Yap, Vice Mayor Rex Villa Agustin, SB Members, Amia Cruz Agrculture Cooperative, Palayamanan Agriculture Cooperative, Mabulod Greenfarm Cooperative. Inaanyayahan po naming na bisitahin natin at tangkilikin ang mga ipinagmamalaki nating produkto.
#SerbisyongMaYAP
#GobyernongMaYAP
#parasamaunladnavictoria
#VictoriaDairyBox
#ditosavictoriataoanguna

« of 3 »

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac