
TURN OVER CEREMONY-MRF FACILITY-BANTOG
TURN OVER CEREMONY-MRF FACILITY-BANTOG
Pinangunahan po ng ating Punongbayan, Mayor Christian Yap, Vice Mayor Rex Villa Agustin SB Members, DENR, MENRO at Brgy. Bantog sa pangunguna po ni Brgy. Captain Alan Ocampo at Brgy. Council ang Turn over ceremony ng mga MRF Facility ng Brgy. Bantog. Kasama po sa mga ipinamahagi ang mga sumusunod: Rotary Composter, Biomass shredder , Bio Enzymes at mga PPE’s. Ang MRF ay ang pinaglalagakan ng mga nahakot na nabubulok o ma-karbon na parte ng basura upang gawing compost o pataba sa lupa Sa MRF din pansamantalang nilalagay ang mga balikgamit o recyclables na materyales gaya ng papel, plastic, aluminum, maging mga gamit na gulong, atbp. Dito rin isinasagawa ang secondary sorting o ang pagbubukod ng mga materyales na nakolekta mula sa mga pinagmulan nito o sources. Malaki po ang maitutulong nito para mabawasan ang mga basura sa ating bayan.
#SerbisyongMayap
#GobyernongMayap
#KalikasanMuna
#ditosavictoriataoanguna
#parasamaunladnavictoria