Skip to main content

TREE PLANTING- ENVIRONMENT MONTH


TREE PLANTING- ENVIRONMENT MONTH
Napakahalaga po ng mga punongkahoy sa atin. Malaki po ang pakinabang nito sa pagkakaroon ng sariwang hangin, napipigilan rin ng mga punongkahoy ang pagkakaroon ng landslide o pagguho ng lupa,. Ilan pa po sa mga benepisyong hatid ng pagtatanim ng puno ay ang pagsisilbing carbon sink, nakatutulong din upang maiwasan ang pagbaha, at nagsisilbing tahanan din po ito ng mga buhay ilang.
Kaya naman po sa pagdiriwang natin ng Environment Month ay nagsagawa po tayo ng tree planting activity sa Calibungan-Masalasa Watershed. Pinanguhan po inyong lingkod, Mayor Christian Yap, kasama po sina Vice Mayor Rex Villa Agustin, SB members, BFP, mga kawani ng ating Local Government, Brgy. officials at DENR ang pagtatanim ng mga puno. Maraming maraming salamat po sa lahat ng mga nakilahok.
#SerbisyongMaYAP
#GobyernongMaYAP
#KalikasanMuna
#gogreen
#stopglobalwarming
#planttrees

Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!