TREE PLANTING ACTIVITY-CANAREM LAKE

TREE PLANTING ACTIVITY-CANAREM LAKE
Sa makabagong panahon ng Industriyalisasyon ay malaki rin po ang kahalagahan ng puno sa ating kapaligiran at kalikasan. Ang pagtatanim ng puno ay kasama sa mga solusyon upang labanan ang climate change. Ang pagtatanim ng mga puno ay nakakatulong din upang makabawas sa Global Warming at nagsisilbi rin itong tahanan at pinagkukuhanan ng pagkain ng mga hayop partikular na para sa mga ibon.
Malaki rin po ang ginagampanang papel ng mga kabataan sa pagaalaga ng kalikasan kaya naman importante na sa murang edad ay naituturo na sa kanila ang kahalagahan ng pag-aalaga sa kalikasan. Kaya sa selebrasyon ng King David Victorious School ay nagkaroon po sila ng tree planting activity sa Canarem Lake.
Ito ay pagtutulungan po ng mga faculty, parents at students ng King David Victorious School at ng Lokal na Pamahalaan ng Victoria, sa pangunguna ni Mayor Rex Villa Agustin, VM Tani at SB Members.
#maunladnavictoria
#mayorREX
#canaremlakebirdsanctuary
#sustainability
#fightclimatechange

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac