TARLAQUENO CENTENARIANS – Recognition and Awarding of Incentives

TARLAQUENO CENTENARIANS- Recognition and Awarding of Incentives Ngayong araw ay dalawang centenarians po ang tumanggap ng insentibong mula sa LGU Victoria at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ito po ay sina Lola Adriana S. Garcia mula sa Masalasa at Lolo Cayo Isla ng Brgy. Palacpalac. Ang naturang ‘cash gift’ po ay alinsunod sa Republic Act No. 10868 o ang Centenarians Act of 2016 na kumikilala sa lahat ng mga Pilipinong umaabot ang edad sa 100 taon. Ito po ay personal na inabot ni Mayor Christian Yap at Vice Mayor Rex Villa Agustin kasama po ang Provincial Social Welfare Office- Sir Robert Magno, MSWDO- Ma’am Elena Jalos. Maraming salamat po sa Provincial Government of Tarlac, Governor Susan Yap, Vice Governor Atty. Carlito David, SP Members at Cong. Victor Yap. Ang naturang cash incentives ay pang hikayat rin po sa kanilang mga pamilya upang mas maalagaan ang kanilang mga nakatatanda at upang kilalanin din po ang mga kontribusyon ng mga matatandang miyembro ng pamilya sa bawat komunidad.

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
https://www.facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac