
STEP-Special Training for Employment Program
Upang mas lalo pong matutukan ang ating mga programang pangkabuhayan ay binisita po ng ating mahal ng Punongbayan, Mayor Christian Tell A.
Yap kasama po ang kanyang maybahay at isa po pangunahing nagsusulong ng mga livelihood programs sa ating bayan na si Ma’am Melissa Yeung Yap ang ilan sa mga livelihood and training programs sa ilalim ng STEP o Special Training for Employment Program sa Brgy. Balayang. Kasama po sa naturang programa ay ang Dressmaking NC II at Carpentry NC II. Ito po ay naisakatuparan sa tulong po ng Provincial Government of Tarlac sa pangunguna po ni Gov. Susan Yap, VG Carlito David, SP members, Cong. Victor Yap, LGU Victoria, kasama din po ang ating Sangguniang Bayan sa pangunguna ni VM Rex Villa Agustin, PESO Office at ni SK Federation President John Philip Lim Layunin po ng STEP na matulungan ang ating mga kababayan na nagnanais na magkaron ng mga special skills na magagamit po nila sa pagnenegosyo o sa pagkakaroon ng sariling hanapbuhay. #SerbisyongMaYap #GobyernongmaYAP #ParaSaMaunladNaVictoria #ditosavictoriataoanguna #TrabahoMuna