Skip to main content

Standard First Aid and BLS-CPR Training

Sa pangunguna ng ating Punongbayan Rex C. Villa Agustin ay naging matagumpay po ang ating isinagawang Standard First Aid and BLS-CPR Training
kasama ng ating mga kasamahan mula sa ating MDRRMO-Victoria at RHU1 & RHU2, Layon po ng training na ito na maging laging handa at paigtingin pa ang kaalaman ng mga reresponde lalong-lalo na po sa panahon ng emergency.
Mahalaga po ang mga ganitong training lalo sa panahon ng emergency dahil ang wastong paggamit ng pangunang lunas ay maaaring maging dahilan upang mailigtas ang buhay ng isang tao o mapabuti ang kanyang kalagayan habang hinihintay ang tulong medikal. Mahalaga ang bawat segundo sa mga sitwasyong pang-emergency, kaya ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at kahandaan ay makatutulong nang malaki.
Handog po sa atin ito ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating Mayor Rex C. Villa Agustin, ViceMayor Tani Guiam at SB Members sa pakikipagtulungan po sa Philippine Red Cross Tarlac Chapter.

Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!