Skip to main content

SGLG National Validation 2023

Highlights: seal of good local governance national validation 2023

Sa ikapitong pagkakataon ay muli po tayong sumalang sa SGLG National Validation at sa ika-7 pagkakataon din po ay nagsumikap ang inyong lokal na pamahalaan para sa mamamayan at bayan ng victoria upang muli po nating masungkit ang prestihiyosong seal of good local governance.

Isa po ang bayan ng victoria sa iilang mga bayan na maaring maparangalan sa ika-7 pagkakataon simula ng magsimula ang naturang pagkilala.
Ang SGLG po ay ang pinakamataas na parangal na iginagawad ng department of interior and local government sa mga lokal na pamahalaang nagpapamalas ng kahusayan at katapatan sa iba’t-ibang aspeto ng pagseserbisyo-publiko.
Ito po ay ang progresibong sistema ng pagsusuri sa lahat ng LGU na nagbibigay ng PAGKILALA sa KATANGI-TANGING galing ng lokal na pamahalaan para sa kanilang pagganap sa tungkulin na base sa iba’t ibang larangan ng paglilingkod sa bayan kabilang ang mga sumusunod:

3.1.1 Financial Administration and Sustainability
3.1.2 Disaster Preparedness
3.1.3 Social Protection and Sensitivity
3.1.4 Health Compliance and Responsiveness
3.1.5 Sustainable Education
3.1.6 Business-friendliness and Competitiveness
3.1.8 Environmental Management
3.1.9 Tourism, Heritage Development, Culture and Arts
3.1.10 Youth Development

Muli isang taos pusong pasalamat po sa DILG Assessment Team, Sir Randy S. Dela Rosa LGOO VIII at Sir Dhelmer EstacioLGOO III, sa ating masipag na MLGOO Ma’am Cheng M. Mesina at DILG Victoria , DepEd Victoria, LGU functionaries , Department Heads, LGU Employees at sa mga Support Staff, ganon din po sa ating butihing punongbayan, Mayor Rex c. Villa Agustin , Vice Mayor Tani Guiam, SB Members at sa mamayan ng Victoria.

Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!