Skip to main content

SGLG ASSESSMENT 2022 INCENTIVE AWARD

SGLG ASSESSMENT 2022 INCENTIVE AWARD:
Sa pangunguna po ng ating Mayor Rex C. Villa Agustin, ang Lokal na Pamahalaan po ng Victoria ay nakatanggap po ng incentive award mula sa Provincial Government of Tarlac para sa ginawang SGLG Assessment nitong 2022.
sa kabuuan ay 11 LGU’s po ang nakatanggap ng naturang insentibo kabilang po ang Bayan ng Bamban, Camiling, Capas, Gerona, Moncada, Paniqui, Pura, San Clemente, Santa Ignacia, Victoria, at City of Tarlac.
Ang naturang insentibo po na nagkakalahaga ng P 1,000,000 pesos na personal pong iniaabot ng Ina ng ating Probinsya Gov. Susan Yap at DILG Provincial Director Armi V. Bactad ay magiging karagdagan po sa pondo para sa mga programa at proyekto na isunusulong ng ating Lokal na Pamahalaan.
Ang karangalan pong ito ay handog po sa atin ito ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating Mayor Rex C. Villa Agustin, ViceMayor Tani Guiam, SB Members DILG Victoria- Ma’am Cheng Mesina, Victoria MPDO Engr. Fernando Gallieto at Congressman Christian Yap. Maraming salamat po sa lahat ng mga tumulong upang makamit po ang naturang parangal na ito, ganon din po sa sa ating mga kababayan na inspirasyon po ng ating lokal na pamahalaan upang makamit natin ang mga adhikain natin para sa Maunlad na Bayan ng Victoria.

 

Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!