Skip to main content

SENIOR CITIZENS OF CUYAPO FAMTOUR

Faith and Historical FamTour for Senior Citizens of Cuyapo, Nueva Ecija:
Nagkaroon po kamakailan ng Familiarization Tour(FamTour) ang mga Senior Citizen ng Brgy. Nagmisahan, Cuyapo, Nueva Ecija sa ilalim po ng programa ng ating Department of Tourism na Honoring the invaluable legacy of Filipino Senior Citizens. Ito po ay sa pagtutulungan at pakikipag-ugnayan ng Department of Tourism Region 3 sa Provincial Government of Tarlac at Nueva Ecija.
Ilan po sa kanilang Tourist Detination na napili ay ang Monasteryo de Tarlac, Diwa ning Tarlac Exhibit at ang sariling atin po na Red Slab Pottery na kung saan po ay malugod po silang sinalubong ni Sir Eric Sanchez. Kanila rin pong binisita ang ating Belen na matatagpuan Victoria town plaza at ating Municipal townhall na kung saan mainit naman po silang sinalubong ng ating Punongbayan Rex C. Villa Agustin. Panghuli po nilang pinuntahan ang ating Dairy Box upang mamili naman ng mga dairy products na gawa dito sa ating bayan ng Victoria.
Maraming salamat po sa ating DOT Region 3 Office, Provincial Government of Tarlac sa pangunguna ng ating Gov. Susan Yap upang mapasama ang ating bayan na pinangungunahan ng ating Mayor Rex C. Villa Agustin, ViceMayor Tani Guiam at SB Members. Maraming salamat din po sa Tarlac Provincial tourism office, sa association of the Senior Citizens of the Philippines at sa ating Councilor Ramil Villa Agustin at Lea P. Gracia ng ating Committee on Tourism.

Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!