
SANGGUNIANG KABATAAN OATH-TAKING CEREMONY
Isang makabuluhang araw ang ginanap kamakailan para sa mga bagong halal na Sangguniang Kabataan, Kasama ang mga kinatawan ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating Mayor Rex C. Villa Agustin ay kanilang tinanggap ang mga tungkulin at responsibilidad bilang kinatawan ng mga kabataan sa kani- kanilang mga Barangay.
Ang inyong pagtanggap sa responsibilidad na ito ay unang hakbang pa lamang tungo sa mas maunlad na Victoria at sa mas makabuluhang kinabukasan para sa ating mga kabataan.
Sa inyong mga adhikain para sa kapakanan ng kabataan, ay katuwang ninyo ang ating Lokal na Pamahalaan na magsisilbing gabay at kasama ninyo sa inyong mga pangarap para sa kapwa nyo mga kabataan.
Maraming salamat po sa ating LGU-Mayor Rex C. Villa Agustin, ViceMayor Tani Guiam, SB Members, DILG Victoria-Ma’am Cheng Mesina at LYDC na pinangungunahan ni SK Federated President John Philip R. Lim at LYDO Jesane Tiburcio.