
SANGGUNIANG KABATAAN MANDATORY TRAINING 2023
Bilang paghahanda sa pag-upo ng mga nanalong opisyal ay nagkaroon po tayo ng mandatory training para sa ating mga naihalal na Sangguniang Kabataan, ito po ay sa inisyatibo ng ating Lokal na Pamahalaan kasama ang ating LGU at DILG sa ilalim po ng YEARN o Youth Empowerment for Accountable and Responsible Nation-building.
Ang programang YEARN po ay isang magandang oportunidad para sa ating mga kabataang nais pang linangin at dagdagan pa ang kanilang kaalaman sa serbisyo publiko na kanilang madadala sakanilang pag-upo bilang isang opisyal at kinatawan ng mga kabataang kanilang nasasakupan.
Handog po sa atin ito ng ating LGU na pinangungunahan ng ating Mayor Rex C. Villa Agustin, ViceMayor Tani Guiam, SB Members, sa ating DILG Victoria-Ma’am Cheng Mesina at sa ating LYDO Jesane Tiburcio.