
Re-Orientation of VAW Desk Officers on RA 9262
Ang Anti-Violence Against Women Act ay kilala rin bilang Republic Act 9262, Ang VAWC ay kumakatawan sa Violence Against Women and Children na pumuprotekta sa mga kababaihan at mga bata sa Pilipinas mula sa pananakit ng mga lalake lalo na ng isang asawa o isang ama.
Ang batas na ito ay naglalayong protektahan ang mga babae mula sa kanilang asawa, kinakasama, nobyo o dating karelasyon. Dahil apektado sa pang-aabusong ito o minsan ay nadadamay ang mga anak, inilakip sa panukalang batas ang proteksiyon maging sa mga bata.
Importante po ito kaya naman nagkaroon po tayo ng Re-orientation ng ating mga VAW desk offices particular pos a ating mga barangay upang patuloy na mapangalagaan at mabigyan ng proteksyon ang ating mga kababaihan at mga anak.
#SerbisyongMaYap
#GobyernongMaYAP
#ditosavictoriataoanguna