Skip to main content

PRE-MARRIAGE COUNSELING

Bilang paghahanda sa bagong yugtong kakaharapin ng mga nagbabalak magpakasal ay nagkaroon po tayo ng Pre-Marriage Counseling upang sila ay magkaroon ng kaalaman at maging handa sa pagbuo ng pamilya.
Pinangunahan po ng ating Commission on Population and Development (POPCOM) designate Ma’am Leilani Gambito ang isinagawang pre-marriage counseling. Kasama rin po sa tinalakay ang Family Planning at Home Management na makatutulong upang paghandaan ang buhay mag-asawa. Ang pre-marriage counseling pong ito ay isa sa mga pangunahing kailangan upang magkaroon ng marriage license.
Handog po sa atin ito ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating Mayor Rex C. Villa Agustin, ViceMayor Tani Guiam at SB Members. Maraming salamat din po sa ating MSWDO-Victoria Ma’am Catherine Gacutan, POPCOM Designate/MNAO Ma’am Leilani Gambito at sa ating RHU.

Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!