Skip to main content

PRAISES OF VICTORY & LAUNCHING OF KANIBON FESTIVAL

PRAISES OF VICTORY & LAUNCHING OF KANIBON FESTIVAL:
Sa pagbubukas po ng selebrasyon natin ng ating kapistahan para sa taong ito ay sinimulan po natin ito sa pamamagitan ng Praises of Victory na kung saan isinisagawa ang pagsasama-sama at pagkakaisa ng iba’t ibang relihiyon at mga denominasyon, ito ay para ipanalangin ang pagkaroon ng maayos at makabuluhang pagdiriwang ang ating kapistahan at ganon din upang ipanalangin ang ating Lokal na Pamahalaan, mga nanunungkulan at ang bayan ng Victoria.
Kasabay din po nito ang launching ng “Kanibon Festival” bilang opisyal na Festival ng ating bayan ng Victoria. Ang Kanibon o kanlungan ng mga ibon ay selebrasyon ng pagkilala sa kahalagahan ng Canarem Lake Bird Sanctuary hindi lamang bilang eco-tourism destination ng bayan ng Victoria kundi ang kahalagahan ng Wetland para sa mga ibon na nananahan dito.
Sa pangkalahatan, ang ating wetland at bird sanctuary ay napakahalaga sa pangangalaga ng kalikasan, pagpapabuti ng kalidad ng tubig, at pagbibigay ng tirahan at proteksyon sa iba’t ibang uri ng halaman at hayop, lalo na ang migratory birds. Ang pangangalaga sa mga ito ay mahalaga para sa pangmatagalang kaligtasan ng kalikasan at para sa kabutihan ng tao.
Maraming maraming salamat po sa ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Rex Villa Agustin, Vice Mayor Tristan Reevo Guiam, SB members, Department Heads, mga mga lider ng ibat-ibang relihiyon sa ating bayan at sa lahat ng ating mga kababayan na nakiisa sa pagbubukas n gating kapistahan sa taong ito.
#maunladnavictoria
#mayorrextapatmaglingkod
#kanibonfestival2024

Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!