PAYOUT-DSWD LAG (Livelihood Assistance Grant)

PAYOUT-DSWD LAG (Livelihood Assistance Grant) Walang humpay pa rin po ang paghahatid natin ng tulong para sa mamamayan ng Victoria. Ang Lokal na Pamahalaan ng Victoria sa pangunguna ni Mayor Christian Yap, VM Rex Villa Agustin, SB members at kasama po nating muli ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyong MaYAP na makatutulong sa mga lubos na nangangailangan lalo na ngayong panahon ng pandemya. Isa sa mga ito ay ang Livelihood Assistance Grants o LAG na nakapaloob sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2. Ang LAG ay isa sa mga recovery and rehabilitation programs ng pamahalaan na may pangunahing layunin na magsilbing tugon para sa mga pamilyang kabilang sa low income o informal sector na nawalan ng pagkakakitaan o kabuhayan dulot ng community quarantine.

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
https://www.facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac