Skip to main content

PAYOUT-DSWD-CASH FOR WORK

PAYOUT-DSWD-CASH FOR WORK:
Ginanap po ang payout para sa ating mga benepisyaryo ng Cash for work mula sa DSWD, sa pagkakataong ito ay natulungan po natin ang ating mga kababayan mula sa 7 barangay , Brgy. Balayang, Bantog, Lalapac, Palacpalac, San Fernando, Sta. Barbara at Sta. Lucia. Sila po ay nabigyan ng gawain partikular sa ating mga organic farms sa ating bayan. Ang nasabing programa ay naglalayong makapagbigay ng sampung araw na pansamantalang trabaho sa mga mamamayang kapos at walang mapagkukuhanan ng kabuhayan. Malaki po ang maitutulong nito lalo na ngayong panahon ng pandemya na kung saan limitado ang trabahong mapapasukan.
Isang taos pusong pasasalamat po an gaming ipinaabot sa sa DSWD, Provincial Government of Tarlac sa pangunguna po ni Governor Susan Yap, Vice Governor Atty. Carlito David, at SP Members, Cong. Victor Yap, Local Government Unit of Victoria, sa pangunguna po ng inyong lingkod, Mayor Christian Yap, Vice Mayor Rex Villa Agustin at SB members.
#SerbisyongMaYAP
#GobyernongMaYAP
#parasamaunladnavictoria
#taomuna
#trabahomuna

Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!