• Home
  • Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Graduation

Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Graduation


Kamakailan ay ginanap po ang pagtatapos para sa ating mga 4P’s Beneficiaries, Sa tulong po ng DSWD at 4P’s Program ng ating pamahalaan na kung saan layunin po ng pambansang pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang pantao ng ating mga kababayan. Nagbibigay ito ng kondisyonal na tulong-pinansiyal para sa pinakamahihirap na Pilipino upang pabutihin ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng kanilang mga anak.
Ang kanilang pagtatapos ay hudyat po ng kanilang kakayahan na tumayo na sa kanilang mga sariling paa, sila po ay inspirasyon sa lahat ng ating mga kababayan na hindi po hadlang ang kahirapan para abutin ang kanilang mga pangarap. Sa ngayon ay nakapagpatapos na po sila ng pagaaral ng kanilang mga anak, may mga negosyo na at mas handa na sa pagharap sa mga hamon ng buhay.
Ito po ay naihatid sa tulong ng DSWD, Provincial Governmnt of Tarlac sa pangunguna po ng ating masipag na Gobernadora, Gov. Susan Yap, VG Atty. Carlito David, SP members, kaakibat din po ang ating Lokal na Pamahalaan ng Victoria, kasama po ang inyong lingkod, Mayor Christian Yap, Vice Mayor Rex C. Villa Agustinn at SB members.
#MaunladNaVictoria
#SerbisyongmaYAP
#TaoMuna
#ParaSaMaunladNaVictoria

« of 2 »

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac