PAMAMAHAGI NG MGA PRINTERS AT INK PARA SA ATING MGA DAY CARE CENTER

Isa po sa mga mandato ng ating Lokal na Pamahalaan ay ang makapagbigay ng de-kalidad na edukasyon para sa ating mga kabataan maging sa pampublikong paaralan at isa po sa mahalagang bahagi ng pag-aaral ay ang maagang paglinang natin sa ating mga kabataan sa kanilang pag-aaral.
Kaya naman po namahagi po tayo ng mga printers at inks para sa ating mga Day Care Schools upang makatulong po sa ating mga day care teachers upang mapabilis ang pagimprenta ng mga modules at iba pang mga printing needs sa ating mga day care centers.
Ang naturang programa po ay bahagi ng program sa ilalim ng DSWD, sa pakikipagtulungan ng ating Lokal na pamahalaan sa pangunguna pa rin po ng ating masipag na Punongbayan, Mayor Christian Yap, Vice Mayor Rex C. Villa Agustin at SB members.
#SerbisyongMaYAP
#parasamaunladnavictoria
#edukasyonmuna

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac