“PAGKILALA” Photo Exhibit & Book Launching

Binuksan na po ang “PAGKILALA” isa po itong Photo Exhibit at Book Launching kung saan ipinapakita ang yaman ng Tarlac hindi lamang sa kultura at tradisyon kundi sa likas na yaman.
Ginanap na din po book launching para sa tatlong aklat – Unlocking Tarlac, na akda ni Sir Scott “Gutsy” Tuason, isang mahusay na diver at photographer, Beyond Bows and Arrows na akda naman ni Sir Dax Simbol kung saan ipanapakita ang mayaman na kultura ng mga kababayan nating Abellen Tribe na isa sa mga Cultural Minorities na matatagpuan sa western part ng Probinsiya at ang “Guide to the Birds of Canarem Lake” na kuha ng mga mahuhusay na bird photographers ng Tarlac na sila Sir Errol Sabile at Ayron Timbol na kung saan naman makikita ang larawan ng napakaraming magagandang ibon sa ipinagmamalaki nating Canarem Wetlands.
Layunin po nito na mas palawigin, pangalagaan, pagyamanin at ipakilala na ang Tarlac ay may mayamang tradisyon at likas na yaman na tunay namang maipagmamalaki natin.
Isang taos pusong pasasalamat po sa Provincial Government of Tarlac sa pangunguna ng ating mahusay na Ina ng Probinsiya, Gov. Susan Yap, ViceGovernor Atty. Carlito David at SP Members, Cong. Christian Yap, Provincial Tourism Office-Sir Baby Lugay, Sir Dax Simbol, Sir Errol Sabile at Sir Ayron Timbol, Department of Tourism, Sir Gutsy Tuason, LGU Victoria, sa pangunguna po ng ating masipag na Punongbayan, Mayor Rex Villa Agustin, ViceMayor Tani Guiam at SB Members, Victoria Tourism Office- Ma’am Lea Gracia at staff, Canarem Wetlands Development Team at sa lahat po ng nagtulong-tulong sa napakamakabuluhang proyekto na ito.
Mula po sa mga mamamayan at bayan ng Victoria, Maraming maraming salamat po sa suporta at tulong lalong lalo na sa ating Canarem Wetlands.
#MaunladNaVictoria
#SerbisyongMaYap
#naturaltarlac
#canaremwetlandsbirdsanctuary
#birdsofcanaremlake
#diversityandculture
#sustainainableecotourism
#responsibletourism

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac