Paghahanda sa Bagyong Karding

Bago pa man dumating si Bagyong Karding ay sinimulan na po natin ang paghahanda. Kaya naman nagsimula na rin tayong mag repack ng mga relief goods para sa ating mga kababayan na maapektuhan ng nasabing bagyo.
Pinangunahan po ng ating Punongbayan, Mayor Rex C. Villa Agustin , Vice Mayor Tani Guiam at ng Sangguniang Bayan ang pagsisiguro na ang Bayan ng Victoria ay handa sa lahat ng sakuna.
Isang taos pusong pasasalamat din po ang aming ipinaaabot kay Rcs Supermarket owner Sir Ton Zhu at Manager – Lerma Lebador na nagbigay po ng 10 kahon ng noodles at 10 kahon ng sardinas, gayundin po sa lahat ng mga departamento ng ating LGU lalo na po sa mga masisipag na kawani ng ating MENRO at Mdrrmo Victoria sa lahat ng tulong, kasama na din po ang mga volunteers na nagtutulong tulong upang masiguro ang kahandaan natin sa bagyong Karding.
Ingat po tayo at manatili po tayong alerto at ligtas. ☔🌧️

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac