Skip to main content

NATIONAL CHILDREN’S MONTH 2023

NATIONAL CHILDREN’S MONTH: PARADA NG MGA PANGARAP 2023
Bilang pagbibigay suporta ng ating Lokal na Pamahalaan sa paggunita ng ika-31 National Children’s Month ay nagkaroon po tayo ng programa para sa ating mga mag-aaral mula sa NCDC-Victoria na kung saan sila po ay nagsuot ng iba’t-ibang mga kasuotan na nagpapakita ng kanilang gustong abuting pangarap sakanilang paglaki.
Nagkaroon din po tayo ng storytelling at panunumpa ng Panatang Makabata na kung saan po ay aktibong nakilahok ang mga kawani ng ating Lokal na Pamahalaan, iba’t-ibang departamento at mga kinatawan ng mga kabataan. Kasabay rin po nito ay inihayag ng ating Mayor Rex C. Villa Agustin ang kanyang mga plano at programa na ikabubuti at pakikinabangan ng mga kabataan sa ating bayan.
Handog po sa atin ito ng Lokal na Pamahalaan ng Victoria sa pangunguna ng ating Mayor Rex C. Villa Agustin, ViceMayor Tani Guiam, SB Members at MSWDO-Victoria Ma’am Catherine Gacutan.

Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!