Skip to main content

Monday Flag Raising Ceremony

Ang ating regular Monday flag raising ceremony ngayong araw na pinangunahan po ng ating GSO at Menro office at iprisenta po nila ang mga accomplishments patungkol sa mga proyekto na naglalayong hindi lamang mapabuti ang kalidad ng kalinisan sa ating bayan kundi pati na rin ang kalagayan ng ating komunidad at sa bawat hakbang na ginagawa po ng ating lokal na pamahalaan , tayo ay nagiging bahagi ng solusyon sa mga hamon ng kalikasan.
Kasabay din po nito ang pagtanggap natin ng award na kung saan muli po tayong itinanghalbilang “KAMPEON” sa “Search for Environmental Champions”-Cleanest & Greenest Municipality- Provincial Level sa ilalim ng 2nd & 3rd Class Municipalities ng DENR.
Kasunod po nito ay ang pagbibigay ng parangal para sa ating dating Menro head na si Madam Estela Apolonio na kung saan isa po siya sa naging susi sa pagtanggap natin ng ibat-ibang parangal patungkol sa kalikasan at kalinisan ng kapaligiran.
Ang ating flag raising ceremony po ay pinangunahan ng ating OIC-Menro na si Engr. Claire Parayno at GSO Head Sir Emman Apacible ganon din po ang ating masipag na Punongbayan, Mayor Rex Villa Agustin, ViceMayor Tani Guiam, SB Members Department heads at kawani ng ating pamahalaan.

Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!