Skip to main content

MOA SIGNING-Establishment of Municipal Food Processing

MOA SIGNING-Establishment of Municipal Food Processing and Product Innovation Kamakailan ay nilagdaan na po ang kasunduan sa pagitan ng ating Lokal na Pamahalaan at Department of Science and Technology o DOST para sa pagtatatag ng Municipal Food Processing at Product Innovation dito po sa bayan ng Victoria.

Isa sa mga makikinabang po dito ay ang ating mga Local Livelihood groups. Sa paglulunsad po nasabing proyekto ay malaki po ang magiging pakinabang sa ating lokal na komunidad na kung saan sa pamamagitan ng mga kagamitan mula sa DOST ay mas pinapadali at ginagawang mas handa sa pambansang merkado ang ating mga Local products, ito po ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng moderno at alternatibong solusyon para sa produkto ng ating mga Livelihood groups. Isang taos pusong pasasalamat po ang aming ipinahahatid unang una sa kabiyak po ng ating butihing Punong bayan na si Ma’am Melissa Yeung Yap na kung saan siya po ang naging daan upang maisakutuparan po ang nasabing proyekto at sa buong pusong suporta po nya sa ating Local Livelihood groups. Nagpapasalamat din po kami sa suporta ng ating Lokal na Pamahalaan ng Victoria sa pangunguna ng ating mahal na Mayor @Christian Tell A. Yap , VM Rex Villa Agustin at SB Members at sa DOST. #SerbisyongMaYap #GobyernongmaYAP #ParaSaMaunladNaVictoria #ditosavictoriataoanguna #TrabahoMuna

« of 2 »
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!