LIBRENG XRAY – CHAMPIONING TB RESPONSE – #ENDTB


Ang tuberkulosis ay isang sakit sa baga na dulot ng mga mikrobyong nakukuha sa hangin.Ang mikrobyong ito ay naiuubo o naibabahing sa hangin ng isang taong may sakit na TB. Makakakuha ka ng sakit sa TB kung malalanghap ang mikrobyo na ito. Bilang tugon po natin sa panawagan na tuluyang mawala ang sakit na ito sa ating bayan at sa bansa lalo na ngayong panahon ng pandemya ay nagkaroon po tayo ng libreng X-Ray mula sa mobile x-ray laboratory ng PBSP- Access TB Project sa tulong po ng DOH, DSWD, USAID, Lokal na pamahalaan ng Victoria sa pangunguna po ng inyong lingkod Mayor Christian Yap kasama po natin si Vice Mayor Rex Villa Agustin at ang mga SB Members ay pinangunahan po ang Paghahayag ng pakikiisa at pagtugon na kung saan nakapaloob po dito ang ating hangarin na magkaroon ng malusog at maayos na pamumuhay at ang responsableng paglaban sa Tuberculosis.
#SerbisyongMaYAP
#GobyernongMaYAP
#parasamuanladnavictoria
#kalusuganmuna
#ENDTB

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac