Skip to main content

LIBRENG TB CHEST XRAY

ANG tuberculosis (TB) ay isang impeksyon sa baga na dulot ng TB bacteria. Ngunit puwede ring maapektuhan ang ibang parte ng katawan tulad ng bato, buto at utak. Sa Pilipinas, may 73 Pilipino ang namamatay sa TB bawat araw. May tinatayang 200,000 hanggang 600,000 na Pilipino ang may aktibong TB o iyung nakahahawang TB. Kaya upang mas paigtingin po ang laban natin sa Tuberculosis ay inilunsad po sa pamamagitan ng DOH at Rural Health Unit ng Victoria ang World Tuberculosis (TB) Day theme na: “It’s time” End TB- Mass Screening sa Bulwagan ng Kalayaan na kung saan nabigayn po ng libreng TB screening ang ating mga kababayan na food handlers, market vendors, garbage collectors at utility workers at mga may ubong umaabot na sa 14 days pataas.
Ito po ay sa kagandahang loob ng DOH, PBSP ( Philippine Business for Social Progress), LGU Victoria sa pangunguna po ng ating masipag na Punongbayan Mayor Christian Yap, Vice Mayor Rex Villa Agustin, SB members at RHU I.

 

Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!