Skip to main content

LGU VICTORIA-ENVIRONMENTAL CHAMPION AWARD

Sa makabagong panahon, Isa pa rin po sa pinakamalaking hamon na ating kinakaharap ay ang problema sa basura at kasama na dito ang lumalalang problema natin sa pagkasira ng kalikasan Kaya naman napakahalaga po ng papel ng ating LGU at komunidad sa pagsusulong ng mga programa na naglalayong pangalagaan ang ating kapaligiran kasama na dito ang pagpapatupad ng maayos na Solid Waste management Scheme sa ilalim ng RA 9003 o Ecological Solid Waste Management
Sa bawat hakbang na ating tinatahak, layunin po natin na maghatid ng malasakit at determinasyon na mapanatili ang kalinisan sa ating kapaligiran.
Kaya naman po isang karangalan na tunay nating maipagmamalaki ang muling pagkakahirang natin bilang “KAMPEON” sa “Search for Environmental Champions”-Cleanest & Greenest Municipality- Provincial Level sa ilalim ng 2nd & 3rd Class Municipalities ng DENR. Ang naturang parangal po ay iginagawad para sa mga bayan na nagbibigay halaga sa kalinisan at gayon na din sa paglalagay ng mga green spaces sa mga komunidad na malaki ang ambag sa promosyon ng green environment at pagtatatag ng praktikal ngunit epektibong pagsusulong ng mga programa kabilang po dito ang solid waste, air quality, water quality, at climate change mitigation.
Maraming salamat po, unang-una sa ating MENRO at sa lahat po ng kanilang mga kawani na sila pong pangunahing departmento na nagsisiguro na ang bayan ng Victoria ay may malinis na kapaligiran, Ito ay sa pangunguna po ng ating dating head ng Menro Madam Estela Apolonio at kasalukuyang Menro Dept head Ma’am Claire Parayno. Isang espesyal na pasasalamat din po kay Sir Emman Apacible sa kanyang mga tulong sa pagpupursigi at pagsisiguro na ang atin pong MENRO ay nagagabayan at sumusunod sa mga tamang alituntunin patungkol sa pangangalaga sa ating kalikasan.
Maraming salamat din po sa PENRO Tarlac at sa PGT sa pangunguna po ni Gov. Susan Yap , Vice Gove Atty. Carlito David, LGU Victoria sa pangunguna pa rin po ng ating masipag na Punongbayan, Mayor Rex C. Villa Agustin, Vice Mayor Tani Guiam at SB members at sa ating mga kababayang Victorians . Mabuhay po kayo!
#muanladnavictoria
#kalikasanmuna
#environmentalchampion
#cleanestandgreenestmunicipality

Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!