LGU PRESENTATION- 2021 MOST BUSINESS FRIENDLY MUNICIPALITY AWARD


Isang karangalan na muli po tayong mapasama at mapiling finalist ngayong taon para sa pretihiyosong parangal mula sa PCCI o Philippine Chamber of Commerce and Industry, ito po ay ang “2021 Most Business -Friendly LGU Awards” na may temang “LGU’S Innovative Response for the Recovery and Growth of Business”.
Ang naturang parangal po ay ibinibigay para sa mga LGU na matagumpay na napanumbalik at patuloy na natulungan na maibalik ang operasyon ng mga negosyo sa kanilang mga lugar sa pamamagitan ng pagpapanatili ng makabuluhan at makabagong mga pamamaraan sa kabila ng mga pagsubok na dulot ng Covid-19. Layon din po ng parangal na ito na maipakita ang mga best practices ng mga lokal na pamahalaan upang malamapasan ang mga negatibong epekto ng pandemya sa ating mga local business. Maraming maraming salamat po sa PCCI sa muling pagbibigay ng pagkakataon sa atin na mapasamang muli bilang finalist.
#SerbisyongMaYAP
#GobyernongMaYAP
#parasamaunladnavictoria
#2021MostBusinessFriendlyLGUAwards

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac