LAUNCHING OF VNHS ARAL RADIO – 101.3 FM

LAUNCHING OF VNHS ARAL RADIO: Kamakailan po ay inilunsad po ng Victoria National High School ang Aral Radio. Isa po itong radio based instruction platform na naglalayong mas mapalawig ang paghahatid ng de kalidad na edukasyon para sa ating mga mag-aaral sa pamamagitan ng radyo. Ito ay malaki po ang maitutulong lalo na sa pandemyang ating kinakaharap sa kasalukuyan. Dumalo po sa naturang launching ang ating butihing Mayor Christian Yap, Vm Rex Villa Agustin, Sb Members, kasama din po natin ang mga guro at kinatawan ng VNHS sa pangunguna po ni Dr. Angelito Magat- Principal IV, Dr. Paulino De Pano-CES-Curriculum Implementation Division, Dr. Noel Linsao, Dr. Armando Capili, Dr. Ma Celina Vega, Dr. Ronaldo Pozon. Ang naturang radio ay mapapakinggan po sa 101.3. Maraming salamat po sa lahat ng nagsumikap upang maisakatuparan ang naturang programa.

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac