
LAUNCHING OF RADIO -BASED INSTRUCTION-VICTORIA WEST DISTRICT
Sa panahon po ng pandemya na ating ating kinahaharap, isa po sa prayoridad ng Kagawaran Edukasyon ay pagsisiguro sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral at kaakibat nito ang paghahatid pa rin ng de kalidad na edukasyon para sa kanila. Kaya naman inikot at inilunsad po natin ang RBI o Radio Based Instruction sa buong Victoria West District kung saan kabilang po dito ang 14 na Elementary Schools. Ang RBI po ay kaakibat pa rin ng Distance learning kung saan isinahihimpapawid po sa pamamagitan ng radio ng ating mga guro ang mga aralin para sa ating mga mag-aaral, kasama po sa naturang programa ang pagpapalawig ng access sa edukasyon, pagbibigay sa mga learners ng equivalency sa basic education atbp. Kasama po nating umikot sa 14 na eskwelahan and mga opisyales ng DEPED sa pangunguna po nila Dr. Ronald A. Pozon- School Division Superintendent, Dr. Armando Capili-Assistant SDS, Madam Maria Celina L. Vega-Assistant SDS, Dr. Noel L. Linsao- Chief SGOD at Dr. Paulino D. De Pano-Chief CID at kasama din ang mga opisyales mula sa ating LGU sa pangunguna po ng ating Mahal na Punongbayan, Mayor Christian Yap, Vice Mayor Rex Villa Agustin at SB members. Sa lahat din po ng mga opisyales at guro sa Victoria West District, maraming salamat po sa inyong suporta at mainit na pagtanggap. Mabuhay po kayo.
#SerbisyongMaYAP
#GobyernongMaYAP
#MaunladNaVictoria
#EdukasyonMuna