
LAUNCHING OF I.N.S.P.I.R.E
LAUNCHING OF I.N.S.P.I.R.E. o Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion:
Isa po ang bayan ng Victoria sa lubos na naapektuha ng outbreak ng ASF o African Swine flu na halos nagpabagsak sa sector ng pagabababuyan. Ito po ay nagresulta sa culling ng mga alagang baboy sa ating bayan. Bilang tugon at tulong po natin sa ating mga kababayan, nagpamahagi na po tayo ng mga biik para sa ating mga kababayang hog owners na naapektuhan ng ASF, ito po ay sa ilalim ng programa ng Department of Agriculture at ng Provincial Government of Tarlac na I.N.S.P.I.R.E. o Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion, layunin po ng naturang programa na magpamahagi ng mga mother pigs para sa mga apektado ng ASF upang matulungan na maiangat ang supply ng karneng baboy sa merkado, kasama din po sa program ang pamamahagi ng feeds para sa mga aalagaang baboy.
Maraming maraming salamat po sa Department of Agriculture sa pangunguna po ni Agriculture Secretary William Dar sa ating probinsiya at sa atin po Munisipyo, Provincial Government of Tarlac sa pangunguna po ng ating masipag na Gobernadora, Gov. Susan Yap, VG Atty. Carlito David, SP members, kaakibat din po ang ating Lokal na Pamahalaan ng Victoria, kasama po ang inyong lingkod, Mayor Christian Yap, Vice Mayor Rex C. Villa Agustin at SB members.
#MaunladNaVictoria
#SerbisyongmaYAP
#TaoMuna
#ParaSaMaunladNaVictoria