Skip to main content

LAUNCHING – LUZON – WIDE eLGU CARAVAN


LAUNCHING – LUZON – WIDE eLGU CARAVAN: BAGUIO CONVENTION CENTER
Ginanap po ang paglulunsad ang paglulunsad ng paglulunsad ng Island-Wide Electronic Local Government Unit (eLGU) System Caravan na ginanap sa Baguio Convention Center. Ito po ay personal pong dinaluhan ng ating masipag na Punongbayan Rex C. Villa Agustin, kasama po ang ating BPLO Officer Ma’am Marivic Sanchez , at Mun.Info. & Comm. Officer/ IT Sir Ronald Rigor. Kasama rin po sa mga dumalo ang mga Local Chief Executives ng ibat-ibang sa LGU mula Luzon Cluster.
Personal po nating dinaluhan sa pangunguna ng ating masipag na Punongbayan, Mayor Rex Villa Agustinisang karangalan din po na maisama ang ating bayan sa 10 LGU’s sa Luzon na mangunguna sa paglulunsad ng naturang programa. ipakilala ang eLGU System at one-stop shop na para sa mga government services gaya ng local tax processing, local registration, basic certification and licensing at information dissemination
Layunin po ng naturang caravan ang pagpapadali ng mga transaksyon at serbisyo ng pamahalaan sa pamamagitan ng mas mabilis na pag-access sa mga serbisyo ng gobyerno para sa mga mamamayan kasabay ng epektibong paggamit ng teknolohiya sa paghahatid ng mga serbisyo ng ating lokal na pamahalaan. Pinangunahan po ang naturang programa ng ibat-ibang ahensya kasama ang Department of Interior and Local Government, Department of Information and Communications Technology (DICT) at Anti-Red Tape Authority (ARTA).
Inihayag din ang kahalagahan ng sistema ng eLGU sa pagpapaunlad ng “Bayang Digital” vision at pagsusulong ng kahandaan sa paggawa ng negosyo at mabilis na paghahatid ng serbisyo ayon sa Republic Act No. 11032, o kilala rin bilang “Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 sa ilalim pa rin ng Bagong Pilipinas program ng ating Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!