
KANLAHI BAMBOO ARTS AND CRAFTS DESIGN CONTEST
7th KANLAHI BAMBOO ARTS AND CRAFTS DESIGN CONTEST:
Nitong nakaraang Kanlahi Festival nagkaroon ng paligsahan sa pagdisenyo gamit ang kawayan. Nilahukan ito ng labing-apat na artist-contestants mula sa iba’t-ibang munisipalidad ng Probinsya ng tarlac. Ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang pagiging malikhain sa pamamagitan ng paggawa ng iba’t-ibang mga kagamitan gamit lamang ang kawayan na ginanap sa Capitol Center Building.
Nilahukan ito ni Fredy Yusi Noveda na siyang nagrepresinta sa ating bayan. Ang kaniyang obra ay ang “Bambike” na siyang nagkamit ng PCCI CHOICE Award sa nasabing paligsahan.
Maraming salamat sa Provincial Government ng Tarlac sa pangunguna ng ina ng ating Probinsiya, Susan Yap, VG Atty. Carlito David at SP members. ganun din po kay Cong Christian Yap at sa ating Lokal na pamahalaan sa pangunguna ng ating Punongbayan Mayor Rex C. Villa Agustin kasama rin si ViceMayor Tristan Reevo Guiam at SB Members, Bambike Victoria-Sir Bryan Benitez McClelland, Maraming salamat din po sa PCCI Pres. Aileen Chan, DTI Provl Dir. Zaida Garibay at DTI Bamboo Program focal person Divine Ramos.