INSPECTION OF NEW VICTORIA ISOLATION FACILITY

Dahil sa patuloy po na pagdami ng COVID-19 cases sanhi upang mapuno ang mga ospital ng mga pasyente, Ang Lokal na Pamahalaan po ng Victoria ay muling nagtalaga at nagpagawa ng bagong Isolation facilty para sa ating mga kababayan. Ang naturang isolation facility po ay malaki ang maitutulongupang mas maging komportable at mas mamonitor ang mabilis na paggaling ng ating mga kababayan na naapektuhan ng Covid-19 Habang naka-isolate ay makakatanggap ng pagkain, gamot, at iba pang medikal na serbisyo ang mga pasyente,bukod po sa mga serbisyong medical ay mayroon din pong libreng wifi at tablet sa bawat isolation rooms upang makatulong po sa mga pasyente na magkaroon ng patuloy komunikasyon sa kanilang mga mahal sa buhay. Muli po kaming nagpapasalamat sa pagpupursigi ng ating Lokal na Pamahalaan na labanan ang Covid-19. Ang pag inspect po sa naturang pasilidad ay pinangunahan po ng ating Masipag na Ina ng Probinsiya na si Gov. Susan Yap, kasama din po si Mayor Christian Yap, Vice Mayor Rex Villa Agusjtin at SB members at mga opisyales ng DOH at Rural Health Units ng bayan. Maraming salamat po.

#SerbisyongMaYAP #GobyernongMaYAP #parasaligtasatmalusognavictoria #labanannatinangcovid19 #kalusuganmuna

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac