Skip to main content

INFLUENZA AND PNEUMOCOCCAL VACCINATION FOR SENIORS

Isa po sa mga adbokasiya ng ating lokal na Pamahalaan na pinagtutuunan ng pansin ang kalusugan at mapabuti ang kalagayan ng ating mga Senior Citizens lalo na po sa panahon po ngayon ng taglamig o Flu season. Kaya naman po sa pangunguna ng ating butihing Mayor Rex C. Villa Agustin ay nagkaroon po tayo ng libreng Flu at Pneumococcal vaccination para sa ating mga seniors.
Mahalaga po ang mga ganitong vaccines sa ating mga nakatatanda dahil nababawasan nito ang paglala ng mga pneumococcal infections at maiwasan ang pagkakaroon ng malalang komplikasyon, mahalaga rin po ito dahil sakanilang edad mas madali silang madapuan ng mga sakit dahil sa mas mahinang immune system dulot na rin po ng kanilang edad.
Handog po sa atin ito ng ating Lokal na Pamahalaan sa panguguna ng ating Mayor Rex C. Villa Agustin, ViceMayor Tani Guiam at SB Members. Maraming salamat din po sa ating mga personnel mula sa RHU 1 gayundin po sa ating mga BHW mula sa iba’t-ibang barangay mula sa ating bayan.

Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!