Skip to main content

INDEPENDENCE DAY 2024

Maligayang Araw ng Kalayaan sa ating lahat!
Ating ginunita ang kalayaan at kasarinlan ng ating bayan. Ito ay isang pagkakataon upang magpasalamat at magbigay-pugay sa mga bayani at martir na nag-alay ng kanilang buhay para sa ating kalayaan.
Habang ating iwawagayway ang watawat ng Pilipinas, nawa’y ating alalahanin ang mga halaga ng pagkakaisa, kasarinlan, at demokrasya. Patuloy nating pahalagahan ang mga karapatang ating tinatamasa at ipaglaban ang kapakanan ng bawat Pilipino.
Nawa’y maging inspirasyon ang ating kasaysayan upang patuloy tayong magsikap para sa isang mas maunlad, mas makatarungan, at mas maaliwalas na kinabukasan para sa lahat.
Ito ay taos pusong dinaluhan ng ating mahal na Congressman Christian Tell A. Yap, kasama din po ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating Punong-bayan Mayor Rex C. Villa Agustin, Vice Mayor Tristan Reevo Guiam kasama ang SB Members, National Agencies, Non-Government organizations, at mga mag aaral at guro mula sa iba’t-ibang paaralan ng ating bayan.
Mabuhay ang Pilipinas! Maligayang Araw ng Kalayaan!

Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!