Skip to main content

INAGURASYON NG BAGONG SOCIO CIVIC CENTER/MEGA EVACUATION CENTER

Pormal na po nating pinasinayaanan ang ating bagong tayong Socio Civic Center na matatagpuan sa Brgy. Balayang. Ang naturang gusali po na ito na ang orihinal na plano ay gawing mega evacuation center ay magiging isa na ring Socio Civic Center, kaya naman ang pasilidad na magbibigay ng maayos na kanlungan para sa ating mga kababayan oras ng sakuna ay magiging isa na ring lugar na naglalaman ng kagyat na pasilidad para sa iba’t ibang mga kaganapan at mahahalagang okasyon para sa bayan tulad ng pulong bayan, seminar, pagtitipon ng mga samahan atbp.
Matatatandaan po na isa po ang bayan ng Victoria sa mga mapapalad na nagawaran ng pondo mula sa PAGCOR na bunga na din po ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng ating Lokal na Pamahalaan upang magsulong ng mga proyektong makatutulong sa ating mga kababayan.
Ito ay patunay po na ang PAGCOR ay may mahalagang papel hindi lamang sa pagtustos ng kita sa pamahalaan kundi pati na rin sa pagpapalakas ng ekonomiya at pagsuporta sa mga programa ng ating pamahalaan.
Ang pagbubukas ng naturang pasilidad ay nagpapakita ng matibay na pagtutulungan ng pamahalaan at komunidad upang matugunan ang mga pangangailangan at hamon ng ating bayan. Ito ay isang patunay rin ng pagkakaisa at pagtutulungan sa pagtahak natin tungo sa landas ng Maunlad na Victoria.
Isang taos pusong pasasalamat po sa pamunuan ng PAGCOR, sa pangunguna ni Chairman and Chief Executive Officer, Alejandro H. Tengco . Sa ating Ina ng Probinsiya Gov. Susan Yap, Congressman Christian Yap na siyang naging daan upang tayo magkaroon ng ganitong pasilidad at sa ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna naman po ng ating Butihing Punongbayan, Mayor Rex C. Villa Agustin, ViceMayor Tani Guiam at SB Members. Maraming salamat din pos a ating mga department heads, Brgy. at SK Councils at sa lahat ng tumulong upang maisakatuparan ang naturang proyekto. Alay po namin ito sa bayan ng Victoria.
#maunladnavictoria
#mayorREXtapatmaglingkod

Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!