Ika- 123 taon ng Araw ng Kalayaan

June 12, 2021

Sa paglipas po ng panahon, pinatunayan po natin na ang ating kalayaan ay ang susi ng ating pagkakaisa sa anumang pagsubok o sakuna. Sa makabagong panahon, at sa pagharap po natin sa hamon ng pandaigdigang krisis dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19,ito ay hindi po naging hadlang para ipakita ang diwa ng malayang sambayanan. Isang paalala po ito sa ating lahat na nawa’y lagi nating gunitain ang sakripisyo at alay ng mga kapwa nating Pilipino, noon man o ngayon, para sa ating kalayaan, sa ating pag-unlad, at sa ating Inang Bayan.

Mula po sa Lokal na Pamahalaan ng Victoria sa pangunguna po ng ating Punongbayan, Mayor Christian Yap , Vice Mayor Rex C. Villa Agustin at SB members,kami po ay buong pusong bumabati ng isang ligtas at mapagpalang Ika- 123 taon ng Araw ng Kalayaan.

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac