HAPPY TEACHERS MONTH PO SA ATING MGA MAHAL NA GURO

Sa pagdiriwang po natin ng National Teachers Month ay nagbibigay pugay tayo sa ating mga guro dahil sa mahalagang kontribusyon nila sa pagkakaloob ng de-kalidad na edukasyon at sa paghubog at pagpapabuti ng ating mga kabataan.
Dinaluhan po ng ating mga opisyales sa ating LGU ang sabayang pagdiriwang sa ibat-ibang mga eskwelahan sa ating bayan na may temang “ Gurong Pilipino, Dangal ng Sambayanang Pilipino” . kasabay din po ng naturang pagdiriwang ang panunumpa ng mga bagong HPTA, GPTA at SPG Officers sa Gabaldon Elementary School.
Mula po sa Lokal na Pamhalaan ng Victoria sa pangunguna ni Mayor Rex C. Villa Agustin , Vice Mayor Tani Guiam at ng ating Sangguniang Bayan Members, kami po ay bumabati ng Happy Teachers Day at Maraming maraming salamat po sa ating mga mahal na Guro sa kanilang dedikasyon upang tulungan ang ating mga kabataan sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.
#maunladnavictoria
#edukasyonmuna
#happyteachersday

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac