
Gender Sensitivity Orientation
Sa patuloy pong pagpapabuti ng kalagayan ng bawat mamamayan sa ating bayan ay nagkaroon po tayo ng orientation patungkol sa gender sensitivity sa ating bayan. Kasama po sa nasabing orientation ang iba’t-ibang representative mula sa departamento ng ating lokal na pamahalaan
Layon po ng programang ito sa ilalim ng Gender and Development na bigyang pagpapahalaga ang pagkakapantay-pantay ng bawat isa sa ating lipunan, linangin ang ating gender-awareness, alamin ang mga gender-related issues sa ating bayan at upang mas malaman pa ang responsibilidad ng kalalakihan at kababaihan sa ating bayan.
Ang programa pong ito ay handog sa atin ng ating Lokal na Pamahalaan, Mayor Rex C. Villa Agustin, ViceMayor Tani Guiam, SB Members at MSWDO Victoria- Ma’am Catherine Gacutan.