GAWAD EDUKAMPYON NG TARLAC

GAWAD EDUKAMPYON NG TARLAC:
Kinilala po ang bayan ng Victoria ngayong taon sa Gawad Edukampyon ng Tarlac na programa ng DEPED at ginanap sa Bayan ng San Manuel.
Matagumpay po tayo sa pagbuo ng epektibo at napapanahong programa para sa Early Childhood Care and Development base sa mga sumusunod na panuntunan:
– Kampeon ng Early Childhood Care and Development (ECCD)
– Pagsusulong ng at pagbibigay ng suporta sa Deped Basic Dducation- Learning Continuity Plan ( BE-LCP)
– Capacity Building & Professional Development
Kabilang din po sa mga proyekto ng ating bayan ang pagsisiguro na patuloy na matututo ang mga bata na naka-enroll sa mga day care sa kabila ng banta ng pandemya kasama na po dito ang pamamahagi sa kanila ng picture books upang malinang ang kanilang galing sa pagbabasa at ang pagkakaroon ng online learning activities.
Ang naturang pagkilala ay personal pong dinaluhan ng ating butihing Punongbayan, Mayor Rex C. Villa Agustin kasama po sina Councilor Mary Jae Rigor Viernes at Councilor Ramil Villa Agustin. Katulong din po natin sa tagumpay na ito ang LGU Victoria, kasama si Vice Mayor Tani Guiam at SB Members.

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac